Wednesday, May 25, 2011

'Wag kang sasakay ng Jeep kung...



Jeepney -- isa sa mga pinaka common na sinasakyan ng masang Pinoy. Ito'y hango sa military jeep ng Amerika na iniwan sa bansa matapos ang gera. Pininturahan ng makukulay at sinabitan ng kung anu-anong dekorasyon bilang tanda na ang sasakyan ay hindi na gamit pang digmaan kundi gamit pampubliko.

Sa mura ng pasahe at sa dami ng bilang ng Jeepney na naglipana sa kakalsadahan ng Maynila, talaga nga namang tatangkilikin ito ng mga masang Pinoy.Ngunit kahit napakapayak ng pagsakay sa sasakyan ito - pumara, magbayad, at pumara ulit - may mga ilang bagay na dapat kang isa alang alang. Ito ay kadalasan hindi para sa iyong kapakanan, pero para din sa katiwasayan ng inyong byahe pati na ng iyong makakatabi sa byahe.

Mga invisible rules sa pag sakay ng pambansang transportasyon.

1.) Una sa lahat kung may mag-aabot ng bayad gawin ang pinaka malimit na akto ng pagkakawang gawa, iabot ang bayad. Kung matagal ka ng suki ng pampasaherong sasakyan na 'toh siguro ay naka-saksi ka na ng ganito. Kung saan may isang pasahero na animo'y may nakaharang sa magkabilang gilid ng mga mata at may earplugs sa tenga at hindi madinig ang sinambit ng katabi na 'paabot po..' Hindi mo alam kung bingi o nagbibingi bingihan. O talagang tamad lang mag-abot. Kung ganito ka, please lang wag kang sumakay ng jeep! Meron din namang nag-aabot pero may halong pagdadabog at radam mo ang labag sa kalooban nyang pagabot sa iyong sukli. (salamat ha?!)

2.) Ang pagtulog sa jeep. Alam kong lahat ng tao ay aabutan at aabutan ng antok sa loob ng jeep lalo na kung pagod, trapik, at puyat. Ngunit ang katabi mo ay hindi isang kuchon o sandalan para iyong sandalan. Nagbayad yan ng tamang pasahe kagaya mo at may karapatang pantao din. Kaya kung maaari piliting hindi makatulog sa loob ng jeep.

3.) Umupo ng wasto. May mga pasahero na akala mo magkagalit ang dalawang hita sa sobrang pagkakabukaka sa jeep. Kadalasan ito sa mga lalake. Ano bang maiipit pag sinara nyo ng kaunti yang mga hita nyo?! Meron din namang parang maniniko na dahil ang kamay ay nakasukbit sa harapan ng ibang tao na animo'y walang katabi. Kung ikaw ang katabi nito matatakot ka para sa iyong sarili dahil baka sa isang biglaang hinto lang ni manong drayber e masiko ka na ng iyong katabi. At syempre ang pinaka-popular sa lahat ay ang mga umuupo ng patagilid para tumingin sa bintana. Una sa lahat sana kung walang pasahero, eh kaso punong puno ang jeep. At pangalawa ano bang meron sa bintana at kelangan naka-harap ka dyan?! Sikip na sikip ang mga tao sa linya mo na halos mahulog na sa kinakaupuan samantalang ikaw sitting-prety sa iyong pwesto with matching hangin effect pa na galing sa bintanang kanina mo pa dinudungaw! (Malapit na kitang isumbong kay Bonggang Bonggang BongBong sa Bubble Gang)

4.) At *ehem* manong drayber hindi ka makakalusot sa akin. Sa laki ng karatula at sticker na nakapaskil sa jeep mo, minsan hindi lang isa kundi dalawa, nagagawa mo pang magyosi sa loob ng jeep mo. Sana kung ikaw ang lumalanghap ng lahat ng buga mong usok galing sa yosi mo!

5.) Ang huli namang ito ay hindi pagpuna kung babala sa lahat. Kung may sakit sa puso at nerbyoso, magdalawang isip ka muna kung susubukang bang sumakay ng jeep. Dahil kadalasan, lalo na sa jeep na may rutang Commonwealth Avenue, galit sa mga preno ang mga drayber nito. Hihinto kung saan-saan at may naiitatagong pangarap pa yatang maging action star dahil kung maka-car scene pasok na pasok sa panlasa ni direk.

Friday, April 22, 2011

The Bus Tragedy

8:30 P.M.
Eksaktong alas otso y media ng gabi umaalis ako ng bahay. Hindi gimik o gala ang punta kundi para kumayod para sa kinabukasan. Abnormal. Alam ko na yan. Pero may sarili akong mga dahilan na hindi ko na iisa-isahin dahil hindi naman doon patungkol ang akdang ito.

Bag Pack.
Ang madalas kong gamiting bag dahil sa kalakihan nito panalo sa dami ng gamit na dala ko. Ni hindi ko na naiisip kung bagay o taliwas sa damit na suot ko. Basta ang alam ko komportable ako.

Bus.
Matapos sumakay ng dalawang jeepney ay nasa SMF na ako. Naghihintay ng bus papunta sa destinasyon ko. Sumakay. Nagbayad.

St. Peter.
"Sa may overpass lang po". Yan ang sabi ko sa konduktor habang isinusukbit ang bag sa may balikat ko.

3 lalake.
Ang nauna sakin sa pagbaba. Nakakapag taka. Kalimitang wala masyadong bumaba sa overpass na binababaan ko. Dahil bukod sa simbahan na sarado na ng mga oras na iyon, ang mga taga gusali lang namin ang maaring bumaba sa overpass, ngunit hindi sila mukhang pamilyar. Hinayaan ko lang. Tumayo ako.

Pinalampas ko ang tatlong kalalakihan saka tumayo. Huminto ang bus. Nakakapagtakang hindi pa sila bumababa, nauna ako. In-overtake ang dalawang lalake sa unahan ko ngunit ang isa ay tila ayaw magpalampas, nakahawak ang dalawang kamay sa gilid ng pintuan ng bus sabay sabing,

"Sa ever pa ako bababa".

Hindi naman maalog, pero naramdaman kong ginigitgit ako ng dalawang kalalakihan sa likuran ko. Limungin ko. Nagsimula na ang aking kaba at malamig na pawis. Hinarap ko ang bag ko at pagtingin ko, nakabukas ang bulsa. Tila napansin din ng drayber ang nangyari, nakita ko sa kanyang reaksyon. Alam naming lima; ako, ang talong lalake at ang drayber, na may nangyayaring hindi tama. Agad kong pinasok ang kamay ko sa bulsa ng bag ko. Tiningnang masama ang lalake sa aking likuran at tumingin din sa drayber habang sinasabi sa aking isipan na ayos lang ako sabay baba ng bus.

Nagmamadali akong pumanik ng overpass. Habang pasilip silip sa aking likuran. Hindi na ako sinundan ng tatlong lalake na bumaba din sa overpass na binabaan ko kahit na sabi ng isang lalake hindi pa sya doon bababa.

Habang tinatahak ang patawid ng tulay saka ko naisip kung ano ang nangyari. Pasalamat nalang ako bago ako tumayo ng bus kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng bag at isinuot sa plastic bag na bitbit ko sa kanang kamay.

Tatlong kalalakihan. May maganda pangangatawan at matinong kaisipan, sa una ako'y sigurado pero sa pangalawa pagiisipan ko munang muli. Hindi ba sila makahanap ng matinong trabaho para may mailagay sa plato at makain ng kanilang pamilya?


Bumaba ng overpass. Pumasok sa building. Nag-swipe ng ID at umupo sa station 66. Humingang malalim at nagpasalamat sa Diyos.

Thursday, April 21, 2011

E.D.S.A.

(Isang post mula sa isa ko pang blog. Sumagi lang sa aking isipan na bagay sya dito. ^^ )
Posted last: 9 June 2008 (Lunes)



Isang mainit na araw nagmamaneho ako sa may EDSA
I'm not sure kung saan ako papunta
Kahit mahal ang gasolina, sagot ko na
Basta sa roadtrip ko, kasama ko sya


Pinahinto niya bigla ang sasakyan
Pupunta lang sa tindahan ang paalam
Para bumili ng mamam
Hininto ko ang sasakyan tutal traffic naman


Libong sasakyan na ang lumipas
Wala pa rin ang ahas! [haha. sorry s kania la ku maisip na katunog pa]
May tiket na ako ng pulis
Naghintay pa rin sa kabila ng inis


Wala na ang traffic sa EDSA
Nakapark pa rin at nag-iisa
Naghintay ako dahil choice ko
Inintay ko sya kahit impatient ako


Tanong ko lang sa kanya, babalik ka pa ba?
O magda-drive nalang ako mag-isa
Ang chikot ko'y magoover heat na
Hindi na makapaghihintay pa


Aandar na ako pero nag-iwan ako ng mapa
Para kung sakaling bumalik sya
Upuan sa tabi ko ay bakante
Dahil sya lang ang gusto kong makatabi


Maraming gustong sumama sa roadtrip ko
Pero sya lang ang pinili ko
Sa wakas, iiwan ko na rin ang EDSA
Kung makita mo siya'y pakisabi nalang sa kanya:


"Sa paglalakad wag masyadong lumayo sa EDSA,
Baka daan pabalik ay makalimutan mo na.
Kung nakabalik ka na sa EDSA at hindi mo ako nakita,
Magtext ka lang, magyu-u-turn ako masundo ka lang."

----------------------------------

EDSA - term na ginagamit ng kalabit sa mga taong hindi makamove on.
***ngaun, ikaw na ang maginterpret sa tulang nabasa mo. ^^

Wednesday, April 20, 2011

Mga Kalimitang Naiiwan sa Summer Outing

Wala na yatang tao ang may ayaw sa summer, i-set aside mo na dyan ang sobrang init at minsang pagkabagot gawa ng walang magawa sa buong magdamag. Pero, summer is summer! At anong silbi ng summer mo kung wala ka man lang kahit isang summer outing? O.o

Panic packing. Naku, sanay tayo dyan. Sa maƱana habit ba naman ng mga Pinoy e! At panigurado ako naranasan mo na ung kung kelan nasa saksakyan ka na at sumasabay sa uga, pag-liko, at paghinto ng sasakyan saka mo maaalala na 'Naku! Wala akong *****' Oh maygad!'.

(SFX: Evil Laugh)

Ng dahil sa mga byahero at turistang kagaya ng nasabi sa itaas, kaya napanganak ang blog na ito. ^^
Ang mga kalimitang naiiwan tuwing may summer swimming outing.

5
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~SHAMPOO
Uhmm. Pwede din naman itong maging exception. Kasi paminsan, o pwede nating sabihing kadalasan, eh hindi na nagdadala ng shampoo. Ang manglalakbay ay gagawa nalang ng paraan sa kung kaninong kaibigan o kapwa manlalakbay manghihingi ng shampoo ng kahit anong brand na paminsan pa nga ay pinaghahalo-halo makakuha lang ng sapat na dami para ipambula sa buhok na binabad sa chlorine ng ilang oras.

4
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~DEODORANT
Para sa mga gumagamit ito'y isang malaking kawalan lalo na kung matapus mag swimming ay napaka dry ng balat at pag pinagpawisan sa byahe pauwi sila'y kakabahan na baka may kung anu mang hindi kanais nais na malanghap ang tropa. Pero para naman sa mga hindi gumagamit, wala lang.

3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~PLASTIC
Isa ito sa pinakamalimit makalimutan. Isipin mo, kung walang plastic babyahe at uuwi ka ng pagkalayo layo ng hawak mo sa isang kamay ay ang iyong 2-piece o trunks. Kung nasa venue na, at nangyari na nga ang hindi inaasahan, nakalimutan na ang plastic! Agawan sa mga supot ng chichirya, softdrinks at sa kung ano mang baon ng barkada na naka-plastic. Kung kinapos para sayo, dalawa lang yan; uuwi kang may hawak na basahang damit, o uuwi kang may basang bag.

2
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~UNDIES
Naranasan mo na ba ito?
Ikaw: (habang ligayang ligaya kang nagkukuskos ng balat upang tanggalin ang chlorine at libag na dumikit sa iyong balat dulot ng matagal na pagbababad sa tubig pool na kung kelan man huling pinalitan ay hindi na maalala.)

...matapos maligo at magpatuyo.

Ikaw: Waaaaaaaaaaah! Wala akong bra! >_<
oh maygad!

Ang masasabi ko nalang sa'yo, GOODLUCK! ^^

1
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~TOOTHBRUSH
Ang pinakamasaklap na maiwan lalo na kung overnight ang lakad. Hindi pa naman hygienic ang manghiram ng tootbrush. Combohan mo ang kain mo ng cracklings, at adobo na may maraming bawang,  ay naku. The best ang hininga mo nyan! :))





Sana lang mabasa mo ito bago ka umalis at magsummer outing. ^^
So pano? Enjoy sa get away!! SUUUUUUMMMMEERRR!!!