8:30 P.M.
Eksaktong alas otso y media ng gabi umaalis ako ng bahay. Hindi gimik o gala ang punta kundi para kumayod para sa kinabukasan. Abnormal. Alam ko na yan. Pero may sarili akong mga dahilan na hindi ko na iisa-isahin dahil hindi naman doon patungkol ang akdang ito.
Bag Pack.
Ang madalas kong gamiting bag dahil sa kalakihan nito panalo sa dami ng gamit na dala ko. Ni hindi ko na naiisip kung bagay o taliwas sa damit na suot ko. Basta ang alam ko komportable ako.
Bus.
Matapos sumakay ng dalawang jeepney ay nasa SMF na ako. Naghihintay ng bus papunta sa destinasyon ko. Sumakay. Nagbayad.
St. Peter.
"Sa may overpass lang po". Yan ang sabi ko sa konduktor habang isinusukbit ang bag sa may balikat ko.
3 lalake.
Ang nauna sakin sa pagbaba. Nakakapag taka. Kalimitang wala masyadong bumaba sa overpass na binababaan ko. Dahil bukod sa simbahan na sarado na ng mga oras na iyon, ang mga taga gusali lang namin ang maaring bumaba sa overpass, ngunit hindi sila mukhang pamilyar. Hinayaan ko lang. Tumayo ako.
Pinalampas ko ang tatlong kalalakihan saka tumayo. Huminto ang bus. Nakakapagtakang hindi pa sila bumababa, nauna ako. In-overtake ang dalawang lalake sa unahan ko ngunit ang isa ay tila ayaw magpalampas, nakahawak ang dalawang kamay sa gilid ng pintuan ng bus sabay sabing,
"Sa ever pa ako bababa".
Hindi naman maalog, pero naramdaman kong ginigitgit ako ng dalawang kalalakihan sa likuran ko. Limungin ko. Nagsimula na ang aking kaba at malamig na pawis. Hinarap ko ang bag ko at pagtingin ko, nakabukas ang bulsa. Tila napansin din ng drayber ang nangyari, nakita ko sa kanyang reaksyon. Alam naming lima; ako, ang talong lalake at ang drayber, na may nangyayaring hindi tama. Agad kong pinasok ang kamay ko sa bulsa ng bag ko. Tiningnang masama ang lalake sa aking likuran at tumingin din sa drayber habang sinasabi sa aking isipan na ayos lang ako sabay baba ng bus.
Nagmamadali akong pumanik ng overpass. Habang pasilip silip sa aking likuran. Hindi na ako sinundan ng tatlong lalake na bumaba din sa overpass na binabaan ko kahit na sabi ng isang lalake hindi pa sya doon bababa.
Habang tinatahak ang patawid ng tulay saka ko naisip kung ano ang nangyari. Pasalamat nalang ako bago ako tumayo ng bus kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng bag at isinuot sa plastic bag na bitbit ko sa kanang kamay.
Tatlong kalalakihan. May maganda pangangatawan at matinong kaisipan, sa una ako'y sigurado pero sa pangalawa pagiisipan ko munang muli. Hindi ba sila makahanap ng matinong trabaho para may mailagay sa plato at makain ng kanilang pamilya?
Bumaba ng overpass. Pumasok sa building. Nag-swipe ng ID at umupo sa station 66. Humingang malalim at nagpasalamat sa Diyos.
Buti ur ok. Thank God.
ReplyDeleteunga e. thanks..
ReplyDelete