Panic packing. Naku, sanay tayo dyan. Sa maƱana habit ba naman ng mga Pinoy e! At panigurado ako naranasan mo na ung kung kelan nasa saksakyan ka na at sumasabay sa uga, pag-liko, at paghinto ng sasakyan saka mo maaalala na 'Naku! Wala akong *****' Oh maygad!'.
(SFX: Evil Laugh)
Ng dahil sa mga byahero at turistang kagaya ng nasabi sa itaas, kaya napanganak ang blog na ito. ^^
Ang mga kalimitang naiiwan tuwing may summer swimming outing.
5
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~SHAMPOO
Uhmm. Pwede din naman itong maging exception. Kasi paminsan, o pwede nating sabihing kadalasan, eh hindi na nagdadala ng shampoo. Ang manglalakbay ay gagawa nalang ng paraan sa kung kaninong kaibigan o kapwa manlalakbay manghihingi ng shampoo ng kahit anong brand na paminsan pa nga ay pinaghahalo-halo makakuha lang ng sapat na dami para ipambula sa buhok na binabad sa chlorine ng ilang oras.
4
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~DEODORANT
Para sa mga gumagamit ito'y isang malaking kawalan lalo na kung matapus mag swimming ay napaka dry ng balat at pag pinagpawisan sa byahe pauwi sila'y kakabahan na baka may kung anu mang hindi kanais nais na malanghap ang tropa. Pero para naman sa mga hindi gumagamit, wala lang.
3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~PLASTIC
Isa ito sa pinakamalimit makalimutan. Isipin mo, kung walang plastic babyahe at uuwi ka ng pagkalayo layo ng hawak mo sa isang kamay ay ang iyong 2-piece o trunks. Kung nasa venue na, at nangyari na nga ang hindi inaasahan, nakalimutan na ang plastic! Agawan sa mga supot ng chichirya, softdrinks at sa kung ano mang baon ng barkada na naka-plastic. Kung kinapos para sayo, dalawa lang yan; uuwi kang may hawak na basahang damit, o uuwi kang may basang bag.
2
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~UNDIES
Naranasan mo na ba ito?
Ikaw: (habang ligayang ligaya kang nagkukuskos ng balat upang tanggalin ang chlorine at libag na dumikit sa iyong balat dulot ng matagal na pagbababad sa tubig pool na kung kelan man huling pinalitan ay hindi na maalala.)
...matapos maligo at magpatuyo.
Ikaw: Waaaaaaaaaaah! Wala akong bra! >_<
oh maygad!
Ang masasabi ko nalang sa'yo, GOODLUCK! ^^
1
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~TOOTHBRUSH
Ang pinakamasaklap na maiwan lalo na kung overnight ang lakad. Hindi pa naman hygienic ang manghiram ng tootbrush. Combohan mo ang kain mo ng cracklings, at adobo na may maraming bawang, ay naku. The best ang hininga mo nyan! :))
Sana lang mabasa mo ito bago ka umalis at magsummer outing. ^^
So pano? Enjoy sa get away!! SUUUUUUMMMMEERRR!!!
i like
ReplyDelete^^
ReplyDeleteczang kelan due date mo?